Congestion sa mga COVID hospital sa Pampanga, unti-unti nang nababawasan

Unti-unti nang bumbaba ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Pampanga, ayon kay Pampanga Provincial Health Consultant Malu Lacson.

Dahil dito nababawasan na rin ang pagiging congested ng mga Covid-19 hospital sa lalawigan at mas mabilis na ang admission sa mga pasyente.

Ayon kay Lacson, malaki ang naitulong ng Home Care Service program na inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan, dahil karamihan sa mga pasyente na dinapuan ng naturang sakit ay mas pinipiling mag home quarantine.

Samantala, positibo naman ang Pamahalaang Panlalawigan na tuluyan nang bababa ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan dahil sa patuloy na pagpapatupad ng mahigpit na health and safety protocol sa Pampanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *