Congw ng Sorsogon pasok sa top 10 ng Bicol Region Poll para sa job performance rating

Nasa ikatlong puwesto ang Kongresista ng unang distrito ng Sorsogon na si Maria Bernadette Escudero sa job performance rating sa peryodo mula February 25 hanggang March 8, 2023.

Sa Bicol Region Poll nakakuha ang kongresista ng 85.8%, sunod sa mag-amang Migz at Lray Villafuerte ng lalawigan ng Camarines Sur na nakakuha naman ng 87.7% at 86.2%.

Nanguna naman sina Joey Salceda at Edcel Lagman ng probinsya ng Albay sa 90.3% at 89.5%.

Samantala, pangpitong puwesto naman si 2nd District Congressman Wowo Fortes na nakakuha ng 64.7%.

Ang Bicol Region Poll ay bahagi ng “Boses ng Bayan” isang komprehensibong pagsusuri sa pagganap ng mga pampublikong opisyal ng kanilang tungkulin gamit ang harapang panayam na may kabuuang 10,000 adult respondents at sampling margin ng error ng +/-1%.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *