Conjugal visit sa So.Cot provincial jail, pinapayagan na

KORONADAL CITY- PINAPAYAGAN na ang conjugal visit ng mga asawa ng mga inmates sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC).

Ito ang inihayag ni OIC Jail Warden Lory Celeste pagkatapos ng dalawang taong pagpapahinto nito dahil sa COVID 19 pandemic.

Dahil dito, magkakaroon na ulit ng panahon ang mga inmates na makasama ang kanilang mga asawa sa isang pribadong kwarto.

Ang conjugal visit ay pinapayagan lamang tuwing Sabado at Linggo kung saan ang mag-asawa ay mayroong dalawang oras sa loob ng conjugal room.

Kabilang sa mga rekisitos na kailangang dalhin ng mga asawa ay ang marriage contract, valid ID, vaccination card at health declaration form.

Samantala, inaayos pa ng pamunuan ng jail ang conjugl visit sa mga may live-in partner.

Ang provincial jail ay mayroong 8 conjugal rooms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *