KORONADAL CITY- ILULUNSAD na sa June 14 ang Consolidated Rice Production and Mechanization System ukon CRPMS program sa lalawigan ng South Cotabato.
Kamakailan lamang , sinimulan na ang sabayang pagtatanim ng mga magsasaka ng Upper Valley Agriculture Cooperative gamit ang mga binhi mula sa Department of Agriculture o DA at mga bagong makinarya katulad ng riding type mechanical rice transplanter.
Inihayag ni Provincial Agriculturist Dr. Raul Teves na nasa 210 hectares na compact area o magkakatabing taniman ng palay ang kanilang target sa Barangay Dajay.
Pagkatapos ng Surallah, sunod namang tataniman ng palay sa ilalim ng consolidated rice farming program ang Tantangan, Sto.NiƱo, Norala, Banga, at Koronadal City.
Ayon kay Teves na nasa 1,200 hectares ang target ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa CRPMS.
Samantala, inaaasahan naman ang pagdating ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr bilang panauhing pandangal sa launching program.
