Constant Communication pinanawagan ng Naga City Migrants Resource Center sa mga OFW at pamilya matapos ang pagpatay sa OFW sa Kuwait

NAGA CITY- Constant communication ang payo ng Naga City Migrants Resource Center sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) at sa mga pamilya nito upang namomonitor ang lagay.

Ito ay matapos ang insidente ng pagkamatay ng isang kasambahay sa Kuwait. Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Toots Ople, natagpuan ang katawan ng 35-anyos na kasambahay sa Kuwait. Napag-alaman na ginahasa pa umano, nabuntis at sinagasaan pa. Hindi naman direktang sinabi sa Senado kung residente saan ang Pinay.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni City Migrants Resource Center Head Nonoy Reforsado, hindi napapatid ang pakikipagtulungan nila sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)- Bicol at central office kung nagkakaroon ng problema ang OFW at kung may nagrerequest na makauwi.

Noong 2022,  anim na mga Nagueño ang natulungan ng tanggapan nina Reforsado.

Samantala bumisita sa LGU Naga ang OWWA Bicol para sa proposed location ng Pamilyang Migrante kan Naga (PAMANA) and United OFW Association sa ilalim ng Tulong PUSO Program.

Aktibo ang OWWA at City Migrants Resource Center sa pagtulong sa mga may isyu sa job site na OFWs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *