Construction ng P 200 million hospital building sa Protech Center, sisimulan na

KORONADAL CITY- SISIMULAN na sa buwan ng Oktubre o Nobyembre ngayong taon ang construction ng P 200 million hospital building project sa Protech Center.


Ito ang inihayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr matapos ang isinagawang meeting kasama ang mga opisyal ng Department of Health o DOH kamakailan lamang.

Ang naturang proyekto ay pinondohan ng DOH sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program noong 2018 sa inisyatibo ni Senator JV Ejercito.

Ito ay ipatatayo sana sa compound ng provincial hospital, ngunit hindi natuloy dahil ayon kay Governor Tamayo ay maraming maaapektuhang serbisyo ng provincial hospital oras na simulan na ang construction.

Napag-alaman na plano ng provincial government na i-connect ang naturang building sa South Cotabato Provincial Hospital sa pamamagitan ng overpass at gawing medical complex area ang Protect Center.

Maliban dito, pinoproseso na rin ng provincial government ang dagdag na P 200 million hospital building mula sa PAGCOR sa pamamagitan ng City of Dreams.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *