Construction worker, arestado dahil sa kasong 2 counts of rape sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Sa kulungan na ngayon ang bagsak ng isang construction worker matapos arestohin ng mga otoridad dahil sa kasong dalawang bilang ng panggagahasa sa bayan ng Camalig, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Nonoy”, residente ng Purok 6, Brgy. Gapo, Daraga, Albay at Brgy. Mina, Camalig ng kaparehong lalawigan.

Ayon sa report, umaga nang puntahan ng pulisya ang lugar ng akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Marso 14, 2023 para sa nasabing kaso.

Walang piyansang ibinigay ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang akusado ay pansamantalang mananatili sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *