Local News

Construction worker arestado sa kasong rape makaraan ang 9 na taon sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang construction worker na nahaharap sa kasong pangagagahasa Martes ng madaling araw sa Purok 4, Barangay Tarum, Mercedes, Camarines Norte.

Sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office kinilala ang akusado na si Jerson Babagay y Laya 30, residente sa nabanggit na lugar.

Bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 9 sa Legazpi City, tinungo ng mga pulis ang tahanan ang suspek para dakpin ito.

Napaglalamang Pebrero 2012 pa nagpalabas ng warrant of arrest ang hukuman laban kay Babagay na ika- 3 sa listahan ng Most Wanted Person sa naturang bayan.

Nasa kustodiya na ngayon ng Mercedes Municipal Police Station si Babagay para sa kaukulang disposisyon at wala ring inirekomendang piyansa ang hukuman.

BNFM Daet

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

20 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

20 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

20 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

20 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

20 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

21 hours ago