Himas rehas na ang isang construction worker matapos na maaresto ng mga awtoridad sa Brgy North Poblacion, Juban, Sorsogon.
Bitbit ang warrant of arrest, inaresto ng mga personahe ng Juban MPS katuwang ang 92 SAC PNP SAF ang akusado na si Ramon Alvares Alindogan, 36-anyos, binata at naninirahan sa nasabing lugar.
Ang warrant of arrest ay ibinaba ng RTC 5th Judicial Region Br 51, Sorsogon City na walang itinakdang piyansa.
Si Alindogan ay itinuturing na No.1 most wanted person ng Juban MPS.
Bunsod nito, muling iginiit ng Juban MPS ang mahigpit nitong pagpapatupad at kampanya laban sa lahat ng iligal na aktibidad kasabay ng paghikayat sa publiko na aktibong mag-ulat ng anumang impormasyon tungkol dito pati na rin ang pagkakaroon ng mga kahina-hinala at natukoy na mga wanted na tao.
