Construction worker, nabiktima umano ng snatcher sa Puerto Princesa

Napaiyak na lang ang isang construction worker na si Charlie Villanueva matapos na mabiktima umano ng snatcher noong gabi ng Miyerkoles, March 8, 2023.

Sa blotter ng Barangay Sicsican sa Puerto Princesa, naglalakad umano pauwi ang biktima at habang siya’y nasa Caramuran Bridge bandang alas-onse ng gabing iyon ay may bigla umanong lumapit sa kanya na naka-motorsiklo.

Hinablot umano ng lalaki na naka-suot ng itim na jacket at naka-motorsiklo (TMX 12) ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng 11,000Php ngunit hindi na niya ito nahabol.

Ang cellphone ((Infinix 11, black) na iyon ay isang buwan pa lamang daw sa biktima at hindi pa tapos na bayaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *