Construction worker, pinagbabaril-patay ng hindi pa natutukoy na mga suspek sa Candelaria, Quezon

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Sabado, Setyembre 23.

Ayon sa police report, nakaupo noon at nakikipag-inuman sa balkonahe ng bahay ng kanyang kaibigan ang biktima na kinilalang si Jose Gonzales, 51-anyos, nang dumating ang hindi pa nakikilalang mga suspek saka walang anu-anong pinaulanan ng bala ang biktima.

Agad na binawian ng buhay ang biktima habang tinutugis na ngayon ang tumakas na mga suspek.

Samantala, kasalukuyan ng nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pagkasawi ng nasabing biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *