Construction worker, tiklo dahil sa kasong lascivious conduct sa bayan ng Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang construction worker dahil sa 2 bilang ng kasong lasicivious conduct sa P-6, Brgy. Sipi, Daraga, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas “Nor”, 50 anyos, residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa report, pinuntahan ng mga kapulisan ang lugar na kinaroroonan ng akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrestna pirmado noong Oktubre 11, 2022 dahil sa nabanggit na kaso.

Aabot sa P200K bawat isang kaso ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, ang akusado ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *