Constructive at inclusive na multilateralism, tiniyak ng Pilipinas kasama ang Argentina

Nagpahayag ng commitment ang Pilipinas sa pakikipagtrabaho sa Argentina pagdating sa pagsusulong multilateralism upang makamit ang rule of law at matugunan ang ilang mga global challenges.

Kasabay ng kanyang pakikipagpulong sa kanyang Argentinian counterpart na si Santiago Cafiero, binigyang-diin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang kahalagahan ng international stage.

Kinilala niya rin ang naiambag ng dalawang bansa sa pagiging tulay at moderating role sa multilateral settings kung saan nagiging banta ang polarities sa consensus.

Maliban dito, mariing sinabi pa ni Manalo na may ‘important voices ang Pilipinas at Argentina sa UN.

Sa huli ay tiniyak ng kalihim na ang pagpapatuloy ng bansa na gumawa ng mas constructive at inclusive na multilateralism kasama ang naturang foreign country.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *