Consular team, patungkong Maui para tulungan ang mga Pilipino

Papunta na sa Hawaii ang consular team ng Pilipinas upang bigyang tulong ang mga Filipino nationals na apektado sa malawakang wildfire sa Maui.

Kinumpirma ito ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa budget hearing ng ahensya sa Kamara kahapon.

Ipinaliwanag rin ni De Beva na hindi makakakuha ang DFA ng pondo para matulungan ang mga Filipino-Americans sa Maui. Ngunit, makakatanggap pa rin ito ng relief goods.

Samantala, kinumpirma naman ni DFA Assistant Secretary Paul Cortes na ligtas ang 50 Pilipinong guro na nagtatrabaho sa isla, na kinuha ng Hawaii State Department of Education upang manatili doon ng dalawa hanggang tatlong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *