Consultative meeting sa pagitan ng Muslim Community at ng pamunuan ng NCPO isinagawa para sa COVID-19 response

NAGA CITY – Nakipag-meeting ang ilang key leaders ng Muslim community sa Naga City Police Office sa patuloy na COVID-response.

Humarap si Maranao Guild Solidarity Chief Mike Mustapha sa pamunuan ng NCPO sa pangunguna naman ni City Director  PCol. Marlon Catan.

Napag-usapan sa naturang meeting ay ang sitwasyon ng muslim community lalo pa ng mga negosyante ngayong nasa ilalim ng MECQ ang Naga City.

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay Mustapha, sinabi nito na sila ang nag-initiate ng naturang pagpupulong para maiparating naman nila sa pulisya ang kalagayan pagdating sa pagne-negosyo at pagpa rehistro sa COMELEC bilang mga botante ng mga kasamahang muslim.

Napag-usapan din nila ang tungkol sa standard health protocol ngayong may pandemya na malugod naman nilang sinusunod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *