Contact tracer at tricycle driver kabilang sa mga bagong nagpositibo sa COVID- 19 sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Nagpositibo sa COVID- 19 ang isang contact tracer sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Siya ay si Bicol No 27789 isang 27 anyos na lalake mula sa Barangay Poblacion 2 na unang nakaranas ng sintomas noong September 7.

Kasalukuyang nagpapagaling sa  isang isolation facility sa lalawigan ang pasyente.

Nagpositibo rin sa COVID- 19 ang isang tricycle driver sa naturang bayan. Siya ay si Bicol No 27777, 65 anyos na mula rin sa Poblacion 2 na nagpapagaling ngayon sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Batay sa case bulletin ng LGU umaabot na sa kabuuang 149 ang mga naitalang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.

Sa bilang na ito, 10 ang aktibong kaso, 128 ang gumaling at 10 ang nasawi.

Patuloy ang paaala ng Lokal na Pamahalaan sa publiko na sumunod sa health protocols upang makaiwas sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *