Contact tracers sa So.Cot, kulang

KORONADAL CITY – KULANG ang 458 na mga contact tracers sa lalawigan ng South Cotabato na kinuha ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga local government units.

Inihayag ni Dr. Sherry May Embay, Vice President ng South Cotabato Medical Society (SOCOMED) na sa 11 mga LGU’s sa probinsya, ang Lake Sebu lamang ang may ideal ratio ng contact tracer at populasyon na 1:653.

Ang bayan naman ng T’Boli ayon sa opisyal ang may pinakakaunting bilang ng mga contact tracer na nasa 10 lamang, o isang contact tracer sa bawat 10,000 na mga indibidwal.

Dahil dito, mahirap aniya at natatagalan ang pag-contact trace sa mga nakasalamuha ng isang COVID 19 positive patient.

Ang South Cotabato ay may average na isang contact tracer sa bawat 2,195 na populasyon, na mas mababa kumpara sa standard ratio ng World Health Organization (WHO) na 1: 800.

Dahil dito, inirerekomenda ng SOCOMED ang pagdagdag at pag-hire ng mga LGU’s ng contact tracers sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *