Contact tracing sa nakasalamuha ng EMB employee na nagpositibo sa COVID-19 nagpapatuloy sa Rapu Rapu Albay

LEGAZPI-Nanawagan ngayon ang lokal na gobyerno ng Bayan ng Rapu-Rapu sa mga nagkaroon ng close contacts sa empleyado ng Environmental Management Bureau o EMB ng DENR noong Mayo 4 na agad na makipagkoordina sa kanila.

Ayon sa public advisory ng LGU Rapu rapu, nakatanggap sila ng impormasyon sa Daraga DRRMO na lumabas na ang resulta ng swab testing ng nasabing empleyado at nagpositibo ito sa COVID-19.

Aniya, nagtungo ito sa kanilang bayan noong mayo kwatro para dumalo sa Regular Session kinabukasan.
Matapos na matangap ang report agad silang nagsagawa ng Contact Tracing katuwang ang RHU at mga contact tracers.

Nanawagan rin ito sa mga dumalo sa nasabing aktibidad na magsumite na ng kanilang pangalan sa RHU/DRRMO para sa mas mabilis na aksyon at maiwasan ang pagkalat ng corona Virus disease.

Inabisuhan na rin umano ang mga mayroong exposure dito na mag home quarantine ng 14 days at agad na magreport kung sakaling may sintomas ng covid para mabigyan ng medikal na atensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *