Contact tracing sa nasawing political staff ng Provincial LGU dahil sa Covid-19, pumalo na sa 20 indibidwal

SORSOGON CITY – Nagsagawa agad ng contact tracing ang mga awtoridad sa kalusugan matapos nagpositibo at nasawi sa Covid-19 ang isang political staff ng Provincial LGU.

Isinagawa ang naturang aksyon upang matukoy kung sino-sino pa ang na-exposed sa nasabing pasyente.

Hindi naman binanggit ng health authorities kung sino ang mga nakasalamuha ng nasabing opisyal pero kasalukuyan nang naka-isolate ang mga ito.

Sa kasalukuyan, sumampa na sa 102 ang bilang ng mga namatay sa coronavirus disease sa lalawigan.

Patuloy naman sa pagbaba ang bilang ng mga aktibong kaso matapos makapagtala ng 36 na gumaling sa nasabing sakit, kung kaya’t sa ngayon ay umaabot na lamang sa 248 ang kabuuang bilang ng active cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *