Contempt order laban sa 2 opisyal ng cold storage company, inalis na ng House panel

Kinumpirma ni House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon 1st district Rep. Wilfrido Mark Enverga na inalis na ng panel ang contempt order laban sa dalawang opisyal ng cold storage company.

Ikinulong sina Michael Ang at George Ong sa House of Representatives mula noong March 21.

Nagsagawa ng zoom meeting ang panel ngayong araw para dinggin ang apela nina Ang at Ong para sa pag-alis sa kanilang contempt order.

Nauna nang hiniling ni Quezon Rep. Jayjay Suarez sa komite na i-contempt ang dalawa dahil sa pagbibigay umano ng magkakasalungat na sagot.

Iniimbestigahan ng komite ni Enverga ang umano’y hoarding ng sibuyas na lumikha ng pansamantalang shortage kaya umakyat sa P700 ang kilo ng sibuyas kamakailan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *