Convicted heinous criminals, isinusulong na huwag isali bilang benepisyaryo ng GCTA

Isinusulong nina Davao City Rep. Paulo Duterte at Benguet Rep. Eric Yap na hindi isama ang mga convicted heinous criminals sa benepisyo ng Good Conduct Time Allowance law o  ang RA 10592.

Inihain ng dalawang mambabatas ang House Bill 4649 upang maamyendahan ang RA 10592 at maging malinaw kung sino lamang ang maaaring mabawasan ang sintensya.

Kasama sa itinuturing na heinous crimes ang murder, infanticide, kidnapping at serious illegal detention, robbery with violence, destructive arson, panggagahasa at pag-angkat, pagbebenta at paggawa ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ilalim ng HB 4649, inaatasan din ang kalihim ng Department of Justice na gumawa ng malinaw na pamantayan na gagamitin ng Bureau of Corrections, Bureau of Jail Management and Penology at warden ng provincial, district o city jail sa pagbibigay ng credit sa mga preso.

Hiling nina Duterte at Yap sa Kongreso ang agarang pag-apruba sa kanilang panukala.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *