Cooking videos ng isang Youtuber sa Japan, humahakot ng million views dahil sa CPU ng computer na gamit sa pagluluto

Japan— Patok na patok ngayon sakanyang mga subscribers sa Youtube ang isang Japanese content creator dahil sakanyang kamangha-manghang content na ibinabahagi sakanyang channel.

Ayon sa ulat, anim na taon nang gumagawa ng kanyang content sa Youtube ang creator na si Kenta Yamazaki sakanyang Youtube account na “Samurai Channel.”

Katulad ng ibang mga nagsisimula pa lamang sa paggawa ng mga videos, hindi rin naging madali para sakanya noong una ang makahakot ng maraming views at subscribers.

Hanggang sa dumating ang pagkakataon na nagsimula na siyang mag upload ng mga cooking videos, na hindi pangkaraniwan sapagkat ginagamit niya ang CPU ng kanyang computer upang paglutuan.

Ang ilan lamang sa mga pagkaing kaya niyang lutuin sakanyang CPU ay ang itlog, pritong itlog, wagyu steak at pati maging donuts!

Dahil sa kakaibang cooking content na ito, humataw ang kanyang followers at views at katunayan, umaabot ang mga ito ng ‘million views’.

Ayon kay Yamazaki, marami pa siyang gustong subukang lutuin sakanyang CPU kaya’t patuloy niyang gagawin at paggawa ng kakaibang content sakanyang Youtube channel.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *