Cop ‘hitman’ ng mga Teves, inaresto ng CIDG sa loob ng Crame

Inaresto sa Kampo Krame ang sinasabing ‘gunman’ ng pamilya Teves na si SSgt. Noel Sta Ana Alabata Jr., ‘o mas kilala raw sa alyas na ‘Alfonso Edena Tan’.

Ayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), si Alabata ay nahaharap sa attempted murder charge sa Dumaguete City Regional Trial Court Branch 35; at attempted homicide sa Branch 1.

Ayon kay CIDG director BGen. Romeo Caramat – si Alabata ay dating nakatalaga sa PDEG Region 6 at ginagamit ‘di umano ng mga Teveses bilang hitman sa isang alyas ‘Ong’.

Kung maaalala – si Noel Alabata rin ang pina-contempt noong April 19 sa Senado dahil sa ‘di umano’y pagsisinungaling sa pagdinig ng Public Order Committee hinggil sa Degamo slay case.

Ito ay makaraang maging inconsistent ang kaniyang pahayag hingigl sa ‘di umano’y assasination attempt laban sa mga negosyante na sina ‘Jasong Ong’ at ‘Sandy Tinguha’.//LGD edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *