Copra at Abaca hindi pa nakakabangon – NEDA-Bicol

SORSOGON CITY- Hindi pa nakakabangon ang kopra at abaka sa lalawigan ng Sorsogon simula noong nakaraang taon, ito ang naging pahayag sa Brigada News ng Regional Director ng NEDA-Bicol na si Agnes Tolentino.

Base sa datus na nalikom ng ahensiya  mula sa Philippine Coconut Authority at Department of Agricuture, aabot sa 7.67 porsyento ang ibinaba ng produksyon ng kopra at abaka sa buong rehiyon ng Bicol simula pa noong 2020.

Isa sa naitala na rason ay ang pananalasa ng sunod-sunod na bagyo sa lalawigan at ang paghihigpit ng mga biyahe na naging dahilan ng pagkabalam sa pagbili ng mga kinakailangan na pataba at kagamitan upang maisaayos ang mga pananim.

Ang Sorsogon ay isa sa mga lalawigan sa Bicol Region na nangunguna sa pagsusuplay ng mga naturang produkto, kung kaya’t nagdulot ito ng malaking epekto sa mga magsasaka.

Ngayong taon ay nasa prosesso pa ng ‘recovery’ ang produksyon ng nasabing mga produkto.

Ang abaca at copra ay kabilang sa pinakamalakas na kalakal ng lalawigan, ito ay maliban pa sa pili, cacao at seaweeds.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *