Corrective maintenance ng CAAP nagdulot lamang ng minimal flight disruptions

Walang naging mabigat na epekto sa Philippine airspace ang ginawang corrective maintenance sa Air Traffic Management Center (ATMC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaninang madaling araw.

Taliwas sa inaasahan na magkakaroon ng airspace shutdown nagkaroon lamang ng minimal flight disruptions ang isinagawang maintenance.

Isinagawa ang naturang aktibidad alas-dos ng madaling araw at natapos ng alas-kwatro ng umaga mas maiksi sa unang anunsiyo na 6-hour maintenance activity.

Una nang sinabi ni CAAP Deputy Director General for Operations Captain Edgardo Diaz na ilan sa isasaayos ng ahensya ay ang replacement sa defective Uninterruptible Power Supply (UPS), at reconfiguration sa Air Traffic Management System (ATMS) A/B power supply.

Sa pagtatapos ng maintenance, inaaasahang maiiwasan na ang problema sa mga paliparan, at magiging handa na ang mga otoridad sakaling muling makaranas ng aberya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *