Kita sa CCTV camera ang dalawang holdaper na bumunot sa kanilang mga armas bago pa pumasok sa hub ng J&T courier sa Barangay Mintal Tugbok, Davao City kung saan natangay ang salaping nasa P400,000 noong nakaraang gabi.
Ang nasabing establishment ay hindi kalayuan sa Tugbok Police Station ngunit hindi nagdalawang isip ang mga tulisan para mamiktima.

Sa eksklusibong interview ng Brigada sa surpervisor ng nasabing courier company na tumangging magpakita sa camera sabi nito na alas 8:00 ng gabi nang pinasok sila ng mga suspek at doon na sila tunutukan ng baril.
Wala ng nagawa ang mga empleyado nang sinabihan umano silang huwag nang papalag para walang mamamatay bago paman nilimas ang pera.
Nagpapasalamat na lamang ang mga taohan ng nasabing courier company dahil walang nasaktan sa kanila.