Court martial vs ex-PSG chief Durante re: Davao model slay, itinakda ngayong linggo

Nakatakdang sumailalim si relieved Brigadier General Jesus Durante III at limang iba pang sundalo na dawit sa pagpatay sa model at Davao businesswoman na si Yvonette Chua-Plaza sa general court-martial proceedings ngayong linggo.

Ayon sa Philippine Army, si Durante at Colonel Michael Licyayo, na kanyang umano’y kasabwat ay ililipat at ikukulong sa Eastern Mindanao Command headquarters hanggang sa magresume ang proceedings.

Mababatid na sa kasalukuyan, ang dating head ng Presidential Security Group, at kanyang kapwa akusado ay nakakulong sa kustudiya ng Army sa kanilang headquarters sa Taguig City, dahil sa kasong paglabag sa Articles of War 96 at 97, o conduct unbecoming an officer and a gentleman at conduct prejudicial to good order and military discipline.

Sa ilalim ng court martial proceedings, tatalakayin dito ang administrative aspects ng mga kaso na inihain laban sa army personnel, kabilang na ang kanilang ranggo at benepisyo.

Sa criminal aspects naman, ito ay hahawakan ng civil court. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *