COVAX, nakipagkasundo para sa 500-million doses ng Moderna

Inanunsyo ng COVAX global vaccine equity program na nakipagkasundo ito sa pagbili ng 500-million doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna.

Inaasahan naman na darating ang bakuna sa Oktubre, at mapapalawak nito ang COVAX scheme kung saan ay malaking bahagi nito ay umaasa sa AstraZeneca vaccine.

Ayon sa Gavi vaccine alliance, tinatayang nasa 34-million doses ng Moderna ang magiging available bago matapos ang taon.

Susundan naman ito ng karagdagang 466-million sa 2022.

Mababatid na tinitiyak ng Covax facility na magkakaroon ng access sa bakuna ang mga mahihirap na bansa sa pamamagitan ng pagtulong ng mga donors sa mga gastusin para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *