COVID-19 active cases, bahagyang tumaas sa 48,109

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga active COVID-19 cases sa Pilipinas sa 48,109, matapos maitala ng Department of Health ang 6,483 na mga bagong infections.

Kaugnay nito, sumipa ang ang kabuoang tally ng COVID-19 sa 1,200,430, matapos kumpirmahin ng DOH ang 6,483 na mga bagong infections.

Hindi naman kasama sa datos ang resulta mula sa anim na laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang report on time.

Samantala, 4,335 pang mga pasyente ang nakarekober mula sa respiratory illness, dahilan para tumaas ang total recoveries sa 1,131,942, habang ang death toll ay umakyat sa 20,379, matapos madagdagan ng 210 na mga bagong fatalities.

Ayon sa DOH, ito ang highest daily deaths na naitala simula noong May 4 ngayong taon. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *