COVID-19 active cases sa Isabela, lagpas 4,000 na

Lagpas 4,000 na ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela matapos maitala ang mataas na bagong kaso na 634 ngayong araw, September 17, 2021.

Batay sa datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong alas-6 ng umaga, mayroon ng kabuoang 4,335 ang total active cases sa probinsya.

Naitala rin ang 361 new recoveries at 10 na panibagong nasawi dahil sa COVID-19.

Nanguna sa may pinakamataas na naitalang aktibong kaso ang Cauayan City na mayroong 405, sinundan naman ito ng Angadanan na nakapagtala ng 367 cases, Santiago City na may 287, Quezon na may 221 cases, Ramon na may 216 cases at San Guillermo na mayroong 199 cases.

Habang zero active case naman ang coastal town ng Dinapigue, Divilacan at Palanan.

Photo/Isabela PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *