Covid-19 active cases sa isabela, sumirit na sa 265

Sumirit pa sa 265 ang kabuoang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela matapos maitala ang mataas na mga bagong kaso ngayong araw, January 7, 2022.

Batay sa datos, umabot sa 95 ang bilang ng mga naidagdag sa talaan ng mga tinamaan ng naturang sakit.

Dalawampu (20) rito ang mula sa Santiago City kaya naman tumaas din sa 65 ang kanilang aktibong kaso.

Dahil sa nararanasan ding pagtaas ng mga kaso ay inanunsyo ng Palasyo na isasailalim sa Alert level 3 ang naturang syudad sa January 9 hanggang January 15, 2022.

Sumunod naman ang Cauayan City sa may mataas na aktibong kaso sa buong probinsya na sa ngayon ay mayroon ng 30 cases matapos makapagtala ng 8 tinamaan ng virus.

Batay pa sa datos, 3 ang naitalang gumaling at isa ang nasawi.

Samantala, sa isinagawang unang pagpupulong kahapon ng Department Heads ng Pamahalaang Panlalawigan, inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Nelson Paguirigan na inaasahan pa ang pagtaas ng mga kaso sa susunod na mga araw katulad ng naging prediksyon ng mga eksperto.

Kaugnay nito ay inaasahan din aniy ang pagtaas ng bilang ng cases sa mga hospital.

Muli namang ipinaalala ng Provincial Government ang kahalagahan ng pagbabakuna kaya naman hinikayat pa ang publiko na tumanggap ng COVID-19 vaccine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *