COVID-19 active cases sa Legazpi City, umabot na sa 40

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal na mayroon nang 40 aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod, kung saan karamihan umano sa mga ito ay nabakunahan na.

Ayon kay Rosal, halos paisa-isa lamang bawat araw ang tinatamaan ng nasabing sakit.

Aniya, sa isang araw, pinakamataas na naitala sa lunsod ay lima.

Sakali man na magpositibo sa COVID-19 agad na mag-self-quarantine o humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan.

Sinabi pa ng alkalde, upang hindi magpatupad ng lockdown, kailangang sundin ang minimum health standard laban sa nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *