COVID-19 active tally, bahagyang tumaas sa 17,393 as of Nov 24

Nagtala ang Pilipinas ng 1,141 na mga bagong kaso ng COVID-19, habang tumaas ang active tally sa 17,393.

Ayon sa Department of Health, ang nationwide COVID-19 tally ay nasa 4,029,201.

Sa nakalipas naman na dalawang linggo, nagtala ang National Capital Region na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa 3,347, sinundan naman ito ng Calabarzon sa 1,908, Western Visayas sa 1,378, Central Luzon sa 1,084, at Central Visayas sa 1,029.

Umakyat din ang recovery tally sa 3,947,284, matapos na gumaling ang 650 pang indibidwal mula sa viral disease, habang ang death toll ay sumampa pa sa 64,524.

Mula noong Miyerkules, ang national bed occupancy rate ay nasa 23.4%, kung saan 6,635 ang occupied at  21,770 ang bakanteng higaan. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *