LEGAZPI CITY – Mula sa apat na mga kaso ng COVID-19 noong nakaraan ay bigla na naman itong tumaas sa mahigit dalawampu kahapon, Mayo 9.
Sa pinakahuling tala ng Albay Provincial Health Office (PHO), dalawampu’t apat na mga bagong kaso ang naidagdag sa listahan, kung saan pito rito ang mula sa Legazpi City; apat sa Tabaco City; tatlo sa Daraga; parehong tigdadalawa sa Bacacay, Malilipot at Sto. Domingo; habang tig-iisa naman sa Guinobatan, Oas, Polangui at Tiwi.
Samantala, isa sa mga ito ang kumpirmadong nasawi na mula naman sa Oas.
Batay din sa datos, tatlong sanggol ang napasama sa listahan ng mga nagpositibo.
Apela ng tanggapan sa publiko, sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols upang maiwasan ang pagdami o pagkalat ng naturang sakit.