COVID-19 cases sa bansa, tuloy sa pagbaba – DoH

Kinumpirma ng Department of Health na hanggang sa ngayon ay wala pa ring nakikitang significant na pagtaas sa bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

Sa #LagingHanda press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na bumaba na ang average na daily cases na naitatala ng Kagawaran.

Aniya, mula sa average na 254 new cases kada araw nong December 2021 – bumaba na ito sa 146 daily cases nitong May 6 hanggang 12.

Kasabay din dito ang pagpapalakas sa vaccination drive ng gobyerno kung saan ay target na mabakunahan ang nasa 77 million individuals bago magtapos ang buwan ng Hunyo.

Katumbas ito ng nasa 85% na kabuoang bilang ng mga elegible population para sa bakuna.

Sa kabila nito, tuloy ang paalala ni Vergeire sa publiko na panatiliin pa rin ang pagsunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at paghuhugas ng kamay.

Ngayong nakapasok na sa bansa ang BA.2.12.1 subvariant ng Omicron, mas kinakailangan umanong mag-ingat at pangalagaan ang kalusugan.

Aniya, bagamat wala pa ring naitatalang severe cases ng subvaiant na ito, mas mabilis pa rin itong nakahahawa kumpara sa ibang variant ng virus.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.