COVID-19 cases sa Bicol, pumalo na sa 8.7K; 126 new cases today

BNFM BICOL—Pumalo na sa 8,714 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng panibagong 126 na kaso ngayong araw.

Dahil dito, sumipa rin sa 2,566 (29.45%) ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Nagtala ng pinakamataas na kaso ang lalawigan ng Camarines Sur kung saan 34 nito ay mula sa Naga City, tatlo sa bayan ng Pili, tigdadalawa ang mga bayan ng Canaman, Magarao at Nabua at tig-iisa ang mga bayan ng Baao, Cabusao, Calabanga, Caramoan, Gainza, Lupi, Ocampo, Pasacao at Presentacion.

Ang lalawigan ng Albay ay nagtala ng 41 bagong kaso kung saan 25 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, siyam sa bayan ng Daraga, tatlo sa bayan ng Camalig at tigdalawa ang lungsod ng Ligao at bayan ng Libon.

19 na bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Daet, apat sa bayan ng Labo, tatlo sa bayan ng Capalonga, at tigdalawa ang bayan ng Basud at Paracale.

12 bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Sorsogon kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Juban at tig-iisa ang mga bayan ng Donsol, Matnog at Pilar.

Isang kaso naman ang naitala sa Masbate na mula sa bayan ng Cataingan habang may isang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol, galing ito sa Cainta, Rizal.

Walang nadagdag sa mga nasawi kaya nananatili ito sa 311 (3.57%).

Samantala, 44 na bagong recoveries naman ang nadagdag ngayong araw kung saan 14 nito ay mula sa Sorsogon, 12 sa Camarines Norte, 11 sa lungsod ng Legazpi, lima sa Camarines Sur at dalawa sa Catanduanes.

Bunsod nito, umabot na sa 5,837 (66.98%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *