COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa 8,915

BNFM BICOL—Sumampa na sa kabuuang 8,915 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng panibagong 121 na kaso nitong araw ng Linggo.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 63 kung saan 16 nito ay mula sa bayan ng Calabanga, 14 sa Naga City, siyam sa bayan ng Libmanan, anim sa bayan ng Baao, anim rin sa bayan ng Pili, tatlo sa bayan ng Camaligan, dalawa sa bayan ng Balatan at Milaor at tig-iisa ang mga bayan ng Lagonoy, Magarao, Nabua, Sagñay at lungsod ng Iriga.

Sumunod sa may mataas na kaso ang lalawigan ng Albay na may 38 kung saan 23 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, apat sa bayan ng Daraga, tatlo sa bayan ng Malinao, dalawa sa bayan ng Guinobatan at lungsod ng Ligao at tig-iisa ang mga bayan ng Manito, Pio Duran, Tiwi at Tabaco City.

Ang lalawigan ng Sorsogon ay nagtala ng 17 bagong kaso kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Castilla, apat sa bayan ng Donsol, tatlo sa bayan ng Pilar at lungsod ng Sorsogon at tig isa ang bayan ng Gubat at Juban.

Dalawang bagong kaso naman ang naitala sa Masbate, isa mula sa bayan ng Balud at isa sa bayan ng Esperanza habang may isang kaso naman na mula sa labas ng Bicol, galing ito sa Caloocan City sa NCR.

Walang mga bagong kasong naitala ang lalawigan ng Camarines Norte at Catanduanes.

Sa ngayon, umabot nasa 2,608 (29.25%) ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Tatlong pagkasawi naman ang nadagdag na pawang mula sa lalawigan ng Camarines Sur kung kaya umakyat na sa 314 (3.52%) ang total COVID-19 death toll sa Bicol.

Samantala, umabot na rin sa 5,993 (67.22%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng panibagong 19. 15 nito ay mula sa lalawigan ng Sorsogon at apat sa lalawigan ng Catanduanes.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *