COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa halos 10k; 4 new deaths, 91 new cases, 140 recoveries naitala

BNFM BICOL—Pumalo na sa 9,991 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na makapagtala ng 91 bagong kaso kahapon, araw ng Miyerkules.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 40 kung saan 17 nito ay mula sa Naga City, lima sa bayan ng Goa, apat sa Del Gallego, tigdadalawa ang mga bayan ng Bula, Camaligan, Milaor at Pili at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Canaman, Minalabac, Pasacao, Sagñay at San Jose.

20 bagong kaso naman ang nadagdag sa Albay kung saan pito nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tatlo sa bayan ng Daraga, dalawa sa bayan ng Guinobatan at Tiwi at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Malilipot, Malinao, Pio Duran at mga lungsod ng Ligao at Tabaco.

17 bagong kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan pito nito ay mula sa Sorsogon City, anim sa bayan ng Matnog, dalawa sa bayan ng Irosin at tig-isa ang mga bayan ng Juban at Pilar.

Ang lalawigan ng Catanduanes ay nagtala ng 12 bagong kaso kung saan apat nito ay mula sa bayan ng San Andres, tigtatlo ang bayan ng Caramoran at Virac at tig-isa ang bayan ng Bato at San Miguel.

Dalawang bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte, isa sa bayan ng Labo at isa sa bayan ng Sta. Elena.

Sa ngayon, bahagyang bumaba sa 2,650 (26.52%) ang aktibong kaso ng sakit matapos magtala ng mataas na bilang ng recoveries na umabot sa 140.

128 nito ay mula sa Camarines Sur, siyam sa Sorsogon, dalawa sa Catanduanes at isa pang hindi tinukoy kung saang lugar.

Sa kabuuan, nasa 6,993 (69.99%) na ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng mga nasawi na ngayon ay umabot na sa 348 (3.48%) matapos madagdagan ng panibagong apat.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *