COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa lagpas 8.5K; 118 new cases nadagdag

BNFM BICOLโ€”Pumalo na sa 8,588 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng panibagong 118 kaso ngayong araw.

Nagtala ng pinakamataas na kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 38 na bagong kaso, Sampo nito ay mula sa Naga City, walo sa bayan ng Canaman, apat sa bayan ng Bula, tatlo sa bayan ng Buhi at Cabusao, tigdalawa ang Iriga City at bayan ng Pili at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Balatan, Caramoan, Del Gallego, Pamplona at Sipocot.

Ang lalawigan ng Albay ay nagtala ng 30 bagong kaso kung saan 13 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, lima sa bayan ng Libon, tatlo sa bayan ng Polangui, tigdalawa ang lungsod ng Tabaco at Ligao, at tig-iisa ang mga bayan ng Bacacay, Camalig, Daraga, Guinobatan at Tiwi.

29 na bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 13 nito ay mula sa bayan ng Matnog, anim sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Bulan, tigdadalawa ang mga bayan ng Gubat, Irosin at Juban at isa sa bayan ng Donsol.

Ang lalawigan ng Masbate ay nagtala ng 16 na bagong kaso kung saan siyam nito ay mula sa Masbate City, apat sa bayan ng Aroroy at tig-iisa ang mga bayan ng Mandaon, Milagros at San Fernando.

Tatlong bagong kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Catanduanes na mula sa mga bayan ng Bato, San Andres at Virac.

Habang may dalawang nagpositibo mula sa labas ng Bicol, isa ang mula sa San Antonio, Northern Samar at isa sa Quezon, Palawan.

Sa ngayon, umaabot na sa 2,484 (28.92%) ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Dalawang panibagong insidente naman ng pagkasawi ang nadagdag na mula sa Masbate at Sorsogon kung kaya pumalo na sa 311 (3.62%) ang total COVID-19 deaths sa Bicol.

Samantala, 23 bagong gumaling ang nadagdag ngayong araw, 17 nito ay mula sa Sorsogon, lima sa Camarines Sur at isa sa Catanduanes.

Dahil dito, pumalo na sa 5,793 (67.45%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *