COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 29K; death toll sumampa na rin sa 1K

BICOL—Mahigit isanlibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Bicol region sa nagdaang tatlong araw kung kaya pumalo na ngayon sa 29, 357 ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon.

Sa pinakahuling tala, 443 ang panibagong kasong nadagdag kung saan pinakamataas ang naitala sa Camarines Sur na umabot sa 202. Ang lungsod ng Naga ay nagtala ng 97 na panibagong kaso, 18 sa Sipocot, 14 sa Milaor, tig 11 ang Lagonoy at Pili, sampo sa Gainza, lima sa Camaligan, tig-aapat sa Baao, Goa at Libmanan, tigtatlo ang Pamplona at San Fernando, tigdadalawa ang Bula, Calabanga, Nabua, Ocampo at Ragay at tig-iisa ang Bato, Canaman, Del Gallego, Magarao, Minalabac, Pasacao, San Jose at Tigaon.

Ang lalawigan ng Masbate ay nagtala ng 118 na mga bagong kaso kung saan 28 nito ay mula sa bayan ng Aroroy, 26 sa Masbate City, tig 11 ang Balud at San Fernando, siyam sa Esperanza, pito sa Cataingan, lima sa Placer, tigtatlo ang Cawayan, Dimasalang, Mandaon, Milagros at Mobo, dalawa sa Palanas at tig-iisa ang Monreal, Pio V. Corpuz, San Jacinto at Uson.

57 ang bagong kaso sa Albay kung saan 26 nito ay mula sa bayan ng Malinao, 11 sa Pio duran, siyam sa Tabaco City, apat sa lungsod ng Legazpi, tigdalawa ang Malilipot at Oas at tig-iisa ang Guinobatan, Libon at Ligao.

Ang Camarines Norte ay may 33 bagong kaso kung saan 12 nito ay mula sa bayan ng Daet, siyam sa Labo, apat sa Vinzons, tatlo sa Basud, dalawa sa Talisay at tig-iisa ang Jose Panganiban, Mercedes at Sta. Elena.

31 ang nadagdag sa Sorsogon kung saan 16 nito ay mula sa Sorsogon City, tig-apat ang Casiguran at Matnog, tatlo sa Gubat, dalawa sa Juban at tig-isa ang Bulan at Irosin.

Isang kaso naman ang naitala sa Catanduanes na mula sa bayan ng Virac habang isang kaso rin ang nadagdag na mula sa labas ng rehiyon.

Samantala, pumalo na sa isanlibo ang death toll matapos na magtala ng walong panibagong nasawi kung saan tatlo nito ay mula sa Albay, tatlo rin sa Sorsogon at tig-isa ang Camarines Sur at Naga City.

Pumaalo na rin sa 21, 639 ang total recoveries matapos na magtala ng 151 na mga bagong gumaling kung saan 71 nito ay mula sa Camarines Sur, 44 sa Sorsogon, 34 sa Albay at dalawa sa Catanduanes.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *