COVID-19 cases sa Bicol pumalo na sa mahigit 41k matapos magtala ng 242 na bagong kaso; death toll lagpas na sa 2k

BICOL—Umakyat na sa 41,044 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 242 na bagong kaso.

77 nito ay mula sa Albay kung saan 34 ang naitala sa lungsod ng Legazpi, 14 sa Daraga, siyam sa Manito, tig apat ang Tabaco City at Tiwi, tatlo sa Camalig, dalawa sa Ligao City at Oas at tig-iisa ang Guinobatan, Malinao, Pio Duran, Polangui at Sto. Domingo.

72 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan 30 nito ay mula sa Naga City, pito sa Pili, tig-anim ang Bato at Buhi, tigtatlo ang Iriga City at Lagonoy, tigdadalawa ang Canaman, Caramoan, Nabua, San Jose at Tinambac at tig-iisa ang Calabanga, Goa, Minalabac, Pamplona, Sagñay, Sipocot at Tigaon.

Ang Sorsogon ay may 48 na bagong kaso kung saan sampo nito ay mula sa Sorsogon City, walo sa Irosin, pito sa Bulan, tig-anim ang Gubat at Pilar, tatlo sa Castilla, dalawa sa Magallanes at tig-iisa ang Barcelona, Bulusan, Casiguran, Donsol, Matnog at Prieto Diaz.

29 ang mga bagong kaso sa Catanduanes kung saan 20 ang mula sa Virac, lima sa Pandan, dalawa sa Viga at tig-isa ang San Andres at San Miguel.

16 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Daet, tatlo sa Paracale, dalawa sa Basud, Jose Panganiban, Talisay at Vinzons habang zero new case ang lalawigan ng Masbate.

Pumalo na rin sa 1, 207 ang death toll matapos magtala ng walong panibagong nasawi kung saan anim nito ay mula sa Sorsogon at dalawa sa Albay.

Samantala, inihayag ng Department of Health (DOH) na ilalabas na lamang sa kanilang facebook page ang update sa mga bagong recoveries sa mga susunod na oras dahil kasalukuyan pa itong isinasalang sa validation.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *