COVID-19 cases sa Bicol sumampa na sa 21,295

BICOL—Pumalo na sa 21,295 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 105 na panibagong kaso nitong Linggo.

39 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 16 ang naitala sa Naga City, pito sa bayan ng Pili, apat sa bayan ng Pasacao, tatlo sa bayan ng Caramoan, tigdalawa ang bayan ng Canaman, Libmanan at Nabua at tig-iisa ang bayan ng Ocampo, San Fernando at lungsod ng Iriga.

21 kaso ang nadagdag sa Masbate kung saan pito nito ay mula sa Masbate City, apat sa bayan ng Milagros, tatlo sa bayan ng Cataingan, tigdalawa ang bayan ng Aroroy at San Fernando at tig-iisa ang mga bayan ng Baleno, Batuan at Uson.

20 kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan siyam nito ay mula sa Sorsogon City, lima sa bayan ng Gubat, dalawa sa bayan ng Bulan at tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Casiguran, Donsol at Irosin.

12 ang naitala sa Albay kung saan apat nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tatlo sa bayan ng Guinobatan at tig-iisa ang mga bayan ng Manito, Pio Duran, Tiwi at lungsod ng Ligao at Tabaco.

Sampong kaso sa Camarines Norte kung saan lima nito ay mula sa bayan ng Sta. Elena, dalawa sa bayan ng Daet at tig-iisa ang mga bayan ng Basud, Labo at Paracale.

Tatlong kaso naman ang nadagdag sa Catanduanes, galing ito sa mga bayan ng Bagamanoc, Caramoran at Virac.

Sa ngayon ay nasa 3,087 (14.50%) pa ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon habang pumalo na sa 17,404 (81.73%) ang recoveries matapos madagdagan ng panibagong 17 gumaling. 13 nito ay mula sa Sorsogon at apat sa Catanduanes.

Umabot naman sa 804 (3.78%) ang mga nasawi matapos magtala ng isang panibagong fatality na mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *