COVID-19 cases sa Bicol sumampa na sa halos 7.9K

BICOL—Pumalo na sa 7,899 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng panibagong 166 na kaso ngayong araw.

Dahil dito, tumaas din ang aktibong kaso na ngayon ay pumalo na sa  2009 (25.43%).

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 106 kung saan 17 nito ay naitala sa bayan ng Calabang, 16 sa bayan ng Canaman, 12 sa Naga City, 11 sa bayan ng Pili, siyam sa bayan ng Libmanan at Sagñay, walo sa bayan ng Goa, anim sa bayan ng Lagonoy, lima sa bayan ng Pasacao, apat sa bayan ng Nabua, dalwa sa bayan ng San Jose at San Fernando at tig-iisa ang mga bayan ng Baao, Balatan, Camaligan, Caramoan at Ocampo.

29 na bagong kaso ang naitala sa Albay kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Guinobatan, walo rin sa bayan ng Daraga, pito sa bayan ng Libon, tatlo sa lungsod ng Legazpi, dalawa sa bayan ng Sto. Domingo at isa sa Ligao City.

Ang Camarines Norte ay nagtala ng 16 na bagong kaso kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Daet, apat sa bayan ng Labo, dalawa sa bayan ng Mercedes at Sta. Elena at isa sa bayan ng Paracale.

12 kaso ang naitala sa Sorsogon kung saan anim nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Matnog at tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Castilla, Gubat at Juban.

Tatlong bagong kaso naman ang naitala sa Masbate na mula sa mga bayan ng Claveria, Milagros at Pio V. Corpuz.

Dalawang pagkasawi naman ang nadagdag na mula sa Albay at Sorsogon kung kaya pumalo na sa kabuuang 283 (3.58%) ang COVID-19 fatalities sa rehiyon.

Samantala, nagkaroon naman ng 51 bagong recoveries kung saan 28 nito ay mula sa Sorsogon, 12 sa Camarines Norte, apat sa Albay, apat sa Catanduanes at tatlo sa Camarines Sur.

Bunsod nito pumalo na sa 5,607 (70.98%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *