COVID-19 cases sa France, sumipa

Naranasan ng France ang pinakamataas na pagsipa sa bilang ng COVID-19 cases nito sa isang araw.

Kasabay ito ng huling araw para sa free testing ng France para sa mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Sa ulat ng health minitry ay umabot sa 6,099 ang bilang ng mga bago nitong kaso sa loob ng 24 oras.

36% na mas mataas ito kung ikukumpara sa 4,470 na kaso na naitala noong Biyernes.

Samantala, mananatili naman libre ang COVID-19 tests sa France para sa mga bakunadong indibidwal, mga nagpapakita ng sintomas, may doctor’s note, at sa mga menor-de-edad na 12-17 anyos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *