‘COVID-19 cases sa NCR nag-uumpisa nang mag-peak’ – OCTA research

Naniniwala ang Octa Research group na nag-uumpisa pa lamang mag-peak ang COVID-19 cases sa National Capital Region.

Ginawa ng grupo ang pahayag matapos maitala ang record breaking record na 34,021 na bagong COVID-19 cases kahapon.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, naitala sa Metro Manila ang mahigit 17, 000 na kaso nitong Enero 13.

Napansin naman ng OCTA ang pagbaba sa daily growth rate kahapon na umabot lamang sa 5% mula sa 11% noong nakalipas na araw.

Bagamat bumaba din ang reproduction number sa 3.77 nilinaw ni David hindi dapat magpaka-kampante at palaging sundin ang mga health protocols ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *