COVID-19 daily tally pinangangambahang muling pumalo sa 10,000 cases – OCTA

Inihayag ngayon ng OCTA Research na mas bumilis ang hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region.

Ayon kay Professor Guido David batay sa kanilang pag-aaral tumaas sa 1.15 ang reproduction rate na nagpapahiwatig ng mas mabilis na hawaan.

Maituturing din umanong nasa high risk na ang NCR dahil sa taas ng reproduction number nito.

Dagdag pa ni David posible din umanong muling maitala ang 10, 000 cases ng COVID-19 kada araw sa susunod na linggo na posibleng idulot ng pagpasok ng Delta variant sa bansa.

Sa ngayon sinabi ni David na binabantayan ng kanilang grupo ang trend sa Delta variant matapos nilang makita sa ibang bansa na 50% mas nakakahawa kumpara sa Alpha at Beta variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *