COVID-19 doctor ninakawan ng P1.6-M halaga ng alahas ng kasambahay

Pinahahanap na ngayon ng mga otoridad ang suspek sa pagnanakaw sa isang COVID-19 doctor matapos matangay ang nasa P1.6-Million halaga ng alahas.

Ayon kay Dr. Virginia ‘Gina’ delos Reyes mag-iisang linggo pa lamang sa kanila bilang kasambahay ang suspek na kinilalang si Annalyn Montemayor Tiglao at residente ng Caloocan City.

Sinabi ni Delos Reyes na nasa P100,000 ang natangay na alahas na kanyang pag-aari samantalang P1.5 milyon naman ang halaga ng mga nawala sa kanyang kapatid na kasalukuyang nasa ibang bansa.

Ayon sa salaysay ng biktima pag-uwi niya noong Lunes ay napansin niyang wala na ang kanyang kasambahay sa kanilang tahanan.

Dito na kinutuban ang doktora at nang tingnan nito ang lagayan ng kanilang alahas dito na niya napagtanto na kasama itong tinangay ng suspek.

Agad naman dumulog ang biktima sa Quezon City Police District Masambong Police Station para isumbong ang pangyayari.

Nanawagan si Delos Reyes ng tulong sa mga kapulisan at otoridad na mahuli ang suspek upang hindi na ito makapambiktima ng iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.