Hindi na itinuturing na global health emergency ang COVID-19, na isang malaking hakbang patungo sa pagwawakas ng pandemya na pumatay ng milyon-milyong katao sa buong mundo.
Ayon kay World Health Organization Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang desisyon ng WHO ay matapos irekomenda ng emergency committee sa isang pulong.
Bumaba na rin aniya ang tinatamaan ng COVID-19 at namamatay. Maliban doon, gumaan na rin ang pressure sa health systems.

Dahil dito, maraming bansa na ang nagbalik sa normal ang pamumuhay gaya noong wala pang COVID-19.
Ngunit hindi aniya nangangahulugan ito na hindi na maituturing na global health threat ang COVID. //MHEL PACIA