COVID-19 , hindi na itinuturing na global health emergency

Hindi na itinuturing na global health emergency ang COVID-19, na isang malaking hakbang patungo sa pagwawakas ng pandemya na pumatay ng milyon-milyong katao sa buong mundo.

Ayon kay ng World Health Organization Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang desisyon ng WHO ay matapos irekomenda ng emergency committee sa isang pulong.

Bumaba na rin aniya ang tinatamaan ng COVID-19 at namamatay. Maliban doon, gumaan na rin ang pressure sa health systems.

Dahil dito, maraming bansa na ang nagbalik sa normal ang pamumuhay gaya noong wala pang COVID-19.

Ngunit hindi aniya nangangahulugan ito na hindi na maituturing na global health threat ang COVID.

Maaari rin umanong ibalik ang emergency status kung magbabago ang sitwasyon.

Unang idineklara ang public health emergency of international concern crisis noong January 30, 2020.

Ang deklarasyon ay ilang linggo lamang matapos matukoy sa China ang virus.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *