Kinumpirma ng Health Ministry ng Vietnam na na-detect sa kanilang bansa ang pinaniniwalaang bagong variant ng COVID-19 na sinasabing hybrid ng dalawang “highly transmissible strains”.
Sinabi ni Minister of Health Nguyen Thanh Long na base sa inisyal na pag-aaral, ang nasabing strain ng virus ay kombinasyon ng Indian at UK variants.
Bagamat hinangaan ng marami ang mabilis na pagtugon ng Vietnam sa COVID-19 na dahilan para makontrol ito nang mabilis, nagulat naman ang marami sa mabilis na pagtaas ng mga kaso noong katapusan ng Abril.
Ayon sa mga otoridad, naitala ang kalahati ng kabuuang 6,396 confirmed infections ay naitala noong nakaraang buwan lamang.
Aminado naman ang mga health officials na hindi pa tiyak kung ang suspected new variant ang dahilan ng mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Vietnam.
Nagbabala naman ang health minister na mahihirapan silang kontrolin ang mabilis na pagdami ng kaso bunsod ng 4th wave ng COVID-19 kabilang ang mga infections mula sa industrial zones.